Sunday, September 16, 2018

OH AKING MAHAL NA KAPATID


“OH AKING MAHAL NA KAPATID” By: Akh Morsid A. Kadir 12:35pm; 10/18/2016 A’uwdzu Billahi Minas Shaytaanir Rajeem, Bismillahir Rahmaanir Raheem. “Rabbish rahliy sadriy. Wa yassirliy amriy. Wahlul ‘uqdatan millisaaniy. Yafqahuw qawliy,” -Qur’an 20:25-28 Ammaa ba’du: Assalaamu ‘Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakaatuhu… Oh, Aking mahal na kapatid! H’wag mong paglaruan ang munting puso ni ukhty. Sa Islaam, katumbas nya ay perlas at diamante. Kaya h’wag ka sa kanya, dumiskarte. Oh, Aking mahal na kapatid! Kung may balak kang dumiskarte, Magtungo ka sa kanyang wali at h’wag pabebe. Magpakalalaki ka, h’wag kang atras,abante. Oh, Aking mahal na kapatid, Payo ko sa’yo ay pakinggan at isabuhay. Lubayan mo sya nang hindi manamlay, Ang puso nyang dati ay buhay na buhay. Oh, Aking mahal na kapatid! May nanay ka at kapatid na babae. Nais mo ba silang matulad sa ibang babae? Na sinaktan at iniwan ng ibang lalaki? Oh, Aking mahal na kapatid! Kung gusto mo ng halal, H’wag mong lapitan ang bawal. Mas masarap ang halal kaysa sa bawal. Oh, Aking mahal na kapatid! Magtiis ka muna sa ngayon, Nang hindi ka magaya noon. Nahirapan kang magmove on. Oh, Aking mahal na kapatid! Iyong hilingin sa Allah (swt), Balang araw kayo ring dalawa IN SHAA ALLAH. Sa ngayon ay IN SHAA ALLAH, Sana bukas, makalawa ay ALHAMDULILLAH. Aameen… ∞

No comments:

Post a Comment

Silan a Mujāhidīn a p'dtala sa marasay, Dala salakaw a singanay Nu pusung nandu lawas a narasay Kahanda nu madak'l na...