Monday, September 24, 2018

Perlas ng Islam

Ang babae sa Islaam ay kahalintulad ng perlas
Sa dagat nakakubli na binabalot ng along dambuhala ang hampas.
Hindi gaya ng bulaklak na hindi ligtas
Sa mga kamay na mahilig mamitas
At sa mga matang may ikunukubling alas.
Kaya bihira lang makita sa labas
Dahil ayaw nyang umani ng pintas
Mula sa mga dilang mapangahas.
Pakaingatan mo sana ang iyong katawan
Yan ay ipinagkatiwala sayo ng lumikha ng sanlibutan
Kaya sa madla ay h'wag ng ipangalandakan
Nang hindi na umani ng kasalanan.

No comments:

Post a Comment

Silan a Mujāhidīn a p'dtala sa marasay, Dala salakaw a singanay Nu pusung nandu lawas a narasay Kahanda nu madak'l na...