Sunday, September 16, 2018
''AGOS NG TUKSO''
Araw na naman raw ng mga puso, Nagagalak, nasasabik at naghahalakhakan ang mga tuso. Sa araw na yaon, maraming nakahandang tukso, Na inihanda para sa'yo ni Shaytaan na mapanukso. Gawain nila ay puro kahalayan, Sa kanila, iyon ang tunay na kalayaan. Mga batang lumaki sa kahalayan, Ito ba ang nais mong maisulat sa kasaysayan? Sa paniniwalang ikaw ay malaya, Naging biktima ka ng tinatawag na ''USO''. Dahil sa hina ng pananampalataya, Walang hirap nilang nakuha ang iyong puso. Biktima nila? Wala silang pinipili. Bata, matanda, babae at lalaki. Biktima ka kapag ikaw ay nawili, Patibong nila ay nakakaakit at nakakawili. Tunay na kalayaan, hindi binabase sa uso, Lalong hindi ito nasa kamay ng mga tuso. Patatangay ka na lang ba sa agos ng tukso, O sa Islaam itatali ang puso Ng hindi na matangay ng agos ng tukso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Silan a Mujāhidīn a p'dtala sa marasay, Dala salakaw a singanay Nu pusung nandu lawas a narasay Kahanda nu madak'l na...
-
Ang babae sa Islaam ay kahalintulad ng perlas Sa dagat nakakubli na binabalot ng along dambuhala ang hampas. Hindi gaya ng bulaklak...
-
Pangangalap ng kaalama'y hindi madali, lalong hindi ito minamadali. Kaalaman ay hindi nabibili Nakawin man ng iba, sa iyo pa ...
-
Photo credit: Ressan Amam Nangad'n si Bai Sandra Sema sa Grand Kanduli Thanskgiving kanu ikasiyaw gay nu september, 2018 a lu bin...
No comments:
Post a Comment